53 health facilities, napinsala sa lindol na tumama sa Abra

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni DOH assistant spokesperson Undersecretary Beverly Ho na kabilang sa mga napinsalang pasilidad ay walong pagamutan, 28 rural health units at 18 barangay health stations.

Sinabi ni Ho na ayon sa Centers for Health Development sa Cordillera Administrative Region ay may 272 ang nasugatan dahil sa lindol, kabilang ang 19 na hospital admissions.


Nakapagtala rin umano sila ng apat na patay at apat na iba pa na nawawala.

Nabatid na sa kasalukuyan nasa Abra si DOH Assistant Secretary Nestor Santiago upang i-assess ang pinsalang idinulot doon ng lindol.

Sinabi pa ni Ho na nagpadala na ang DOH ng mga trucks na may lamang 20 tents, 200 cot beds, hygiene kits, mga gamot at iba pang suplay sa lalawigan.


Nagpadala. na rin umano sila ng mga medical teams sa Ilocos Training and Regional Medical Center at sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center upang tumulong sa mga sugatang residente.

Magugunita na tumama ang 7.0 magnitude na lindol sa Abra na naramdaman rin sa iba pang lugar sa Luzon hanggang sa Metro Manila. (Arsenio Tan)


Tags: DOH assistant spokesperson Undersecretary Beverly Ho

You May Also Like