By: JANTZEN ALVIN
May 528 bagong corrections officers 1(C01) ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nakatakdang manumpa sa Nobyembre 7, 2023.
Gayundin, sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang, Jr. na may 502 aspiring Correctional officersang naka-kumpleto na ng kanilang anim na buwang training.
Sa ginanap na graduation ceremony sa BuCor headquarters sa Muntinlupa City, sinabi ni Catapang na gagamitin ang mga bagong graduates sa rehabilitasyon ng imahe ng BuCor.
“We need to restore respect for BuCor, ” ani Catapang.
Hinikayat nito ang.mga bagong graduates na gawing “relevant, sustainable, and respected” ang BuCor.
“That will be our battle cry as we align with the mission of our beloved Secretary Boying Remulla to enhance public service and distance ourselves from any negative issues or controversies within BuCor,”dagdag ni Catapang .
Samantala, sinabi naman ni Justice Undersecretary Deo Marco sa mga bagong CO1 na huwag sana silang maimpluwensiyahan ng masasamang gawain sa loob ng mga bilangguan.