Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na base sa kanilang huling datos ay umakyat na sa 5,195 ang ipinarehsitrong official social media account ng mga kandidato para sa 2025 National and Local Elections (NLE).
Ayon sa latest input ng Comelec, kabilang dito ang 32 senatorial aspirants habang nasa 5,028 naman ang mga local aspirants at 135 party-list groups, organizations at coalitions.
Samantala, nasa 2,709 kandidato naman ang nagsumite na ng ‘hard copies’ ng kanilang mga dokumento sa poll body. Hindi kasama dito ang 53 pribadong indibidwal na nagpadala ng hard copies ng dokumento, bago na-promulgate ang Comelec Resolution No. 11064-A.
Nasa kabuuang 5,195 ang natanggap na Registration Forms Received Online via Google Forms at hindi kabilang ang mga Private Individuals/Entities.
Inaatas sa COMELEC Resolution 11064 na, “candidates, political parties, and any person or entity, who shall create, or manage social media accounts and pages, websites, podcasts, blogs, vlogs, and other online and internet-based campaign platforms primarily designed or used during the election period to solicit votes and promote the election need to registered their social media account.”
Nakapaloob umano rito ang guidelines on the use of social media, artificial intelligence and internet technology for digital election campaign and the prohibition and punishment of its misuse for disinformation and misinformation, in connection with the 2025 national and local elections and the BARMM parliamentary elections.
Nabatid na ang deadline para sa pagre-rehistro ng online campaign platforms ay hanggang sa Biyernes (Disyembre 13) na lamang.
Paalala rin ng Comelec na hindi na nila palalawigin pa ang naturang deadline.#