Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong 507 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19 nitong Enero 8,2023.
Ayon sa DOH, sa 2,379 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 431(18.1%) ang okupado.
Samantala, 4,185(21.6%) ng 19,373 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Nalaman na mahigit sa 73 milyong indibidwal o 94.48% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 21 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.
Sa kabilang banda, 6.9 milyong senior citizens o 79.46% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Nabatid na mula Enero 2 hanggang 8, 3,127 na bagong kaso ang naitala sa bansa.
Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 447, mas mababa ng 9 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Disyembre 26 hanggang Enero 1.
Kaugnay nito , mayroon namang naitalang 79 na pumanaw kung saan 17 ay naganap noong Disyembre 26 hanggang Enero 8.














