500 TAO NAKATANGGAP NG MAAGANG PAMASKO MULA TASK FORCE ELCAC

CARMEN, Surigao del Sur — MAY 500 katao na pinagkaisa sa kapayapaan ang nabigyan ng maagang regalo sa Peace Building Information Drive (Pamaskong Handog 2022) ng Task Force-ELCAC sa Covered Court, Brgy Hinapoyan, Carmen, Surigao del Sur .

Matatandaan na mula sa naturang barangay sa Sitio Gacub ang limang hinukay na pinaslang ng terroristang grupong CPP-NPA (CTG) noong ika-30 ng Oktubre ngayong taon.


Naglaan ang lokal na gobyerno ng Carmen, SDS, 901st Infantry “Fight Em’” Brigade, 36th Infantry “Valor” Battalion, Provincial Police Office SDS, Philippine Red Cross SDS Chapter, Provincial Social Welfare and Development Office, Carrac-an Eagles Club at IPMR Carmen para ibahagi ang dokumentaryo ng iDocu Team ni John Paul Seniel na may pamagat na “Hinagpis ng 5 Biyuda sa Hinapoyan” sa mga mamamayan ng barangay kasama ang tatlong sitio ng Gacub, Tabinas at Bayabas, Carmen.

Sa naturang dokumentaryo, inilahad ang mga pangyayari sa mga pinatay at hinilom ang mga panawagan ng mga naiwang kapamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng maagang pamasko sa mga taga-Carmen.

Hinimok ni Carmen Mayor Jane V. Plaza sa naturang aktibidad na mamulat ang lahat sa totoong gawain at pakay ng makakaliwang grupo sa mga Carmenanon at ipinahayag ang pakikiisa sa kapayapaan at seguridad ng Indigenous Peoples Community.


Sa pakikiisa ng mga IPMR at Tribal Chieftain ng Hinapoyan ay winaksi nila ang CPP-NPA-NDF sa kanilang tribu at kinondena ang mga abuso, pagpatay,at pagre-recruit ng mga terorista sa kanilang komunidad.

Nilalayon ng Peace Building Information Drive ang pagkakaayos, pag-unlad at panibagong pag-asa sa mga taga-Hinapoyan upang hindi na maulit ang trahedya na nangyari sa naturang bayan na dumanas ng karahasan at kalupitan ng komunistang grupo. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


 


Tags: Task Force-ELCAC

You May Also Like