Latest News

500 pulis-Maynila, ipinakalat sa UST at San Beda

By: Jerry S. Tan

Inihayag ni Manila Police District (MPD) Director PBGen. Andre Dizon na may 500 pulis- Maynila ang ipinakalat nito sa bisinidad ng San Beda College at University of Sto. Tomas (UST) para magbigay ng seguridad sa mga bar examinees na kumuha ng pagsusulit nitong Setyembre 17,2023.

Kasabay nito, nanawagan si MPD. Public Information Office chief PMajor Philipp Ines sa publiko na kaagad ipagbigay-alam sa mga pulis kung sakaling mayroon silang nakitang kahina-hinala ang kilos.

Ang mga idineploy na pulis din ang magbibigay ng seguridad sa bar examinees sa Setyembre 20 at sa huling araw ng bar exam sa Setyembre 24.


Samantala, inihayag ng Supreme Court (SC) na 10,404 bar examinee ang natuloy na makapag-bar exam hanggang alas-11 ng tanghali ,mula sa naunang 10,816 na unang naitalang kukuha ng bar exam.

Kaugnay nito, unang nagpalabas ng executive order si Manila Mayor Honey Lacuna na magpapatupad ng liquor ban sa 500-meter radius mula sa UST at San Beda habang panahon ng bar examination at ipinagbabawal rin ang pag -ingay at paggamit ng malalakas na sound system.


Ayon kay Dizon, Isinara rin ng MPD ang bahagi ng Dapitan Street at westbound lane ng España Boulevard mula alas-.3:30 ng madaling araw hanggang alas 9 ng umaga at alas 3:30 ng happn hanggang alas-7 ng gabi sa panahon ng bar examination.

Maging ang eastbound lane ng Legarda Street, Mendiola Street, at Concepcion Aguila Street ay isinara mula alas- 2 ng madaling araw hanggang alas- 7 ng gabi.


Tags: Manila Police District (MPD) Director PBGen. Andre Dizon

You May Also Like

Most Read