Latest News

500 pamilya, nawalan ng bahay sa sunog sa Maynila, 2 sugatan

By: Baby Cuevas

Dalawang sibilyan ang sugatan at may 500 pamilya ang nawalan ng bahay matapos sumiklab ang isang sunog kamakalawa ng hatinggabi sa Sta. Cruz,Maynila.

Ayon sa ulat Ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP, kinilala ang mga nasaktan na sina Marina Lagrimas, 69 ,na nagtamo ng 2nd degree burn sa mga braso, kaliwang paa,at likuran at Janine Trinio,25, na mahirapan huminga.


Nabatid na nagsimula ang sunog sa 919 Playground Compound, Quezon Boulevard,Sta.Cruz, Maynila, alas- 9:41 ng gabi sa Ikatlong palapag ng isang four- storey na gusali at idineklarang ‘fire out’ alas -10:25 ng gabi .

Ayon sa BFP, nasa mahigit P3 milyon ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

Patuloy namang iniimbestigahan ng arson divisionang sanhi ng sunog.


Tags: Manila Bureau of Fire Protection.(BFP)

You May Also Like