May 500 inmates mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang inilipat San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City bilang bahagi ng programa ng gobyerno na mapaluwag ang mga bilangguan.
Batay sa ulat na nakarating sa Department of Justice (DOJ), kabilang sa inilipat ang 147 mula sa Maximum Security Camp, 153 mula sa Medium Security Camp at 200 mula sa Reception and Diagnostic Center.
Ang mga nasabing inmates ay dinala sa penal farm ng mga personnel mula sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay BuCor Chief Gregorio Catapang, Jr., ang paglilipat sa mga inmate ay bahagi ng malawakang plano na paluwagin ang NBP at paghahanda sa pagsasara ng pasilidad sa 2028.
Samantala, inanunsiyo ni Catapang ang konstruksiyon ng 272.1 milyong facility sa Iwahig Prison and Penal Farm.
Ang bagong Correctional Institute for Women ay may kapasidad para sa 500 inmates.














