AABOT na lamang sa 500 arawang kaso ng COVID 19,ang maitatala sa bansa sa kalagitnaan ng Marso.
Ito ay base sa pagtaya ng OCTA Research Group kung saan sa kasalukuyan ay nasa 1,000 pa kada araw ang naitatalang kaso ng Department of Health(DOH)kada araw.
“We’re projecting na cases will either continue to decrease, although baka bumagal na ‘yung rate of decrease, or baka mag- (it may) plateau na rin siya (too),” ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David David sa Laging Handa public briefing.
“We are actually projecting na it will continue to decrease. Hopefully, down to around 500 cases per day sometimes March, siguro (maybe) by mid-March,” dagdag ni David.
Una nang tinaya ng grupo na mas bababa sa 1,000nitong linggo ang maitatalang kaso pero nakapag rehistro pa ng 1,038 bagong kaso ng COVID19.
Sa pinakahuling datos ng DOH,umaabot na sa 3,661,049 ang mga naitalang kabuuang bilang ng nagpositibo sa COVID19. (Jantzen Tan)