Latest News

50% tapyas sa excise tax na panawagan ni Isko, napapanahon

LUBHANG napapanahon na umano para magpasa ng batas ang Kongreso para matapyasan ng 50% sa produktong petrolyo kaaunod na rin nang patuloy na pagtaas sa presyo ng langis dahil sa kaguluhan nagaganap sa Ukraine at Russia.

“Kung may panahon pa sa Kongreso nananawagan din tayo na yung pino-propose natin na 50% tax cuts sa krudo at 50% tax cuts sa kuryente, kumbaga magpalugi muna tayo bilang gobyerno sa pagkalap ng buwis pero siya namang maibabalik natin na savings sa bawat pamilyang Pilipino,” ani Moreno .

Nilinaw naman ni Moreno, ito ay suhestiyon lamang niya dahil wala pa naman siya sa posisyon para maglabas ng direktiba sa mga mambabatas na miyembro ng Mababang Kongreso at Senado.

Una nang ipinanawagan ni Moreno, na hindi lang tapyasan ang buwis sa langis kundi maging ang buwis sa kuryente ay kakaltasan rin ng kalahati.

Ang mga ito umano ang paraan niya para mapagaan ang buhay ng taumbayan habang rumerekober sa pandemya.

Ayon kay Moreni dahil sa labis na pagtaas sa presyo ng crude oil dahil sa digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine at pagsirit ng inflation, sinabi ni Moreno na kailangan na ngayon ng agarang aksyon at ang Kongreso lamang ang makakagawa nito.

Nalaman na may nakabinbin na panukalang batas na si Albay Rep. Joey Saceda na isinampa noon pang Nobyembre 2021 na humihiling na tapyasan ang excise tax sa petrolyo kabilang ang zero tax sa diesel sa loob ng anim na buwan.

Aabot umano sa P55 bilyon ang hindi masisingil ng gobyerno pero mapupunta naman sa taumbayan.

Kung maipapasa, aabot na lamang sa P7 kada litro ang singil sa excise tax ng gasolina mula sa P10 kada litro na isinasaad ng RA 110963 o ang TRAIN Law.

Sa sandaling pagtibayin ng Kongreso, kaagad umano itong mararamdaman ng mga mktorista lalo na ng mga pampublikong behikulo na siyang labis na umaaray ngayon sa taas sa presyo ng diesel. (TSJ)

Tags:

You May Also Like

Most Read