50 SA 71 BANGKAY MULA SA NASUNOG NA M/V JUNE ASTER, NAKILALA NA

By: JESSE RUIZ

AMINADO ang Philippine National Police na mabusisi at sadyang pahirapan ang pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga nasawi sa nasunog na MV June Aster sa karagatan ng Coron, Palawan, kaya 50 pa lamang mula sa 71 bangkay na narecover sa nasunog na ferry ang natukoy na ng Philippine National Police (PNP) Forensic Group.


Ayon kay Police Brig. Gen. Pierre Paul Carpio, director ng PNP Forensic Group, bagama’t nangangailangan ng panahon ang proseso, wala silang nakikitang malaking problema sa pagkilala sa mga biktima dahil kumpleto ang kanilang anti-mortem standards para sa crossmatching.

“For everyone to know DNA is a sterile area so we have only this capacity for us to be able to conduct the DNA. After every case we clean all the laboratories for decontamination and sterility of the laboratory,” paliwanag ni Carpio hinggil sa mabusising forensic annlysis.

Ayon sa opisyal, 21 bangkay pa ang hindi nakikilala. Lahat ng mga ito ay nasa hustong gulang na lalaki at babae, maliban sa isang bata.


Patungong Palawan mula Tondo, Maynila ang M/V June Aster nang masunog ito sa layong humigit-kumulang 1.2 nautical miles mula Coron. Umabot na sa 77 ang death toll, habang 43 ang nakaligtas at walo pa ang nawawala.

Sa 77 na nasawi, 71 ang narekober mula sa nasunog na barko, lima ang nakuha mula sa dagat at isa ang namatay sa ospital.




Ayon kay Carpio, nasa tamang direksyon na sila upang makumpleto ang identification process at sa lalong madaling panahon ay ma-isusumite nila sa local government unit ng Palawan ang resulta ng pagkakakilanlan ng mga biktima, na siyang magbibigay ng impormasyon sa mga kamag-anak ng mga nasawi.


Tags: MV June Aster

You May Also Like

Most Read