Latest News

50 PAMILYA, NAWALAN NG TAHANAN SA SUNOG SA SAMPALOC

By: Baby Cuevas

Mahigit 50 pamilya ang nawalan ng bahay sa naganap na sunog sa isang residential area sa Sampaloc, Maynila kahapon ng madaling araw.

Ayon sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), ang sunog ay naganap sa Reten St MV Delos Santos ,Sampaloc,Maynila ala- 1:12 ng madaling araw.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na idinekalrang ‘fireout’ alas- 2:40 ng madaling araw. Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa naganap na sunog.


Samantala, patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng sunog at ang halaga ng napinsalang ari-arian.


Tags: Manila Bureau of Fire Protection.(BFP)

You May Also Like