Latest News

Lima sugatan, 50 pamilya, tupok ang bahay sa sunog sa Parola

By: Baby Cuevas

Limang katao ang nasugatan at mahigit sa 50 ang nawalan ng tahanan sa isang sunog na sumiklab sa isang residential area sa San Nicolas, Maynila kahapon.

Dalawa sa mga nasugatan ay mga bumbero na nakilalang sina FO2 Ralph Albert Cabuag, 24, na nagtamo ng 2nd degree burn sa dalawang kamay at FO1 Kyll Medrano, 25, na nagtamo naman ng 2nd degree burn sa kanang hinlalaki samantalang sugatan rin sina Jasper Lucas, 31, na nagtamo ng 2nd degree burn sa kanang kamay; Raiza Contreraz, 17, na nagtamo ng laceration sa kaliwang kilay at Marlon Dela Cruz, 21, na nagtamo ng laceration sa kaliwang palad.

Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nabatid na dakong alas-11:33 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa residential area sa Area B Gate 52, Parola Compound San Nicolas,Tondo, Maynila.


Umabot ng ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang naideklarang under control dakong alas-12:55 ng tanghali.

Tuluyan naman itong naapula dakong ala-1:13 ng hapon.

Masusi pa namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy kung gaano talaga kadami ang pamilyang naapektuhan ng sunog.

Inaalam rin ng mga awtoridad ang dami ng mga tahanan at halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy, gayundin ang pinagmulan nito.


Nagkaroon umano ng. matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa naturang lugar matapos na hindi papasukin pansamantala ang mga truck at sasakyan sa Manila International Container Terminal (MICT).

Tags: Manila Bureau of Fire Protection.(BFP)

You May Also Like

Most Read