Latest News

50% na mas mataas… 2,725 bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH mula Disyembre 12-18

By: Baby Cuevas

Tumaas pa sa 2,725 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ng Department of Health (DOH) mula Disyembre 12 hanggang 18, 2023.

Base sa datos ng National COVID-19 Case Bulletin na inilabas ng DOH nitong Lunes ng hapon, nabatid na ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 389 na.

Ito umano ay mas mataas ng 50 porsiyento kumpara sa mga kasong naitala noong Disyembre 5 hanggang 11.


Sa mga bagong kaso, 16 ang may malubha at kritikal na karamdaman, habang mayroon ring naitalang 16 na pumanaw, kabilang ang 13 na binawian ng buhay noong Disyembre 5 hanggang 18.

Napag-alaman na noong Disyembre 17, 2023 ay mayroong 211 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, mula sa 1,101 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, nasa 142 o 12.9% ang okupado.

Nasa 1,841 naman o 18.3% ng 10,045 non-ICU COVID-19 beds ang kasalukuyan ding ginagamit.


Samantala ,mahigpit na pinapaalalahanan ng DOH ang publiko na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.

Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read