Umabot sa mahigit 50 bahay ang naabo sa naganap na sunog kahapon ng hapon sa may Baseco, Port Area, Maynila.
Ayon sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog 1:04 ng hapon sa likuran ng Tanker 4, sa may Blk 8 Baseco,Port area.
Umakyat sa ikatlong alarma ang sunog na idineklarang fire-out alas-3:19 ng hapon.
Ayon sa BFP, naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil dikit-dikit ang bahay at pawang yari sa light materials. Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa naganap na sunog.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng Arson Division sa naging sanhi ng sunog at halaga ng pinsala sa ari-arian. (Carl Angelo)