Latest News

5 KILO NG SHABU HULI SA PDEA BUYBUST OPERATIONS

NASA limang kilo ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa ikinasang joint anti -narcotics operation sa Escalante City , Negros Occidental.

Sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, isang buybust operation ang inilatag ng mga tauhan ng PDEA 6 – NOCPO, PDEA SIU-NOCPO, PDEA 7, Escalante City Police Station, PCG-Escalante , Police Drug Enforcment Unit ar Regional Drug Enforcement Unit .

Nadakip ang isang hig- value drug personality na pakay ng anti-drug operation na kinilalang si Vicente Sepuesca, nang bentahan niya ng isang kilong shabu ang nagpanggap na poseur-buyer sa Brgy. Old Poblacion, Escalante City


Nakuhang ebidensiya ng mga awtoridad ang isang malaking pakete ng shabu at apat na malalakng pakete ng suspected shabu at P63,100 buybust money.

Kasalukuyang naka-detine ngayon ang suspek sa PDEA Negros Occidental detention facility habang inihahanda ang kaukulang kasong kakaharapin nito. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read