Latest News

5 kaso naisampa ng BOC laban sa mga smugglers

NASA 75 kasong kriminal ang naisampa ng Bureau of Customs (BOC) ngayong taon laban sa mga smugglers na nagpapasok ng mga iligal na produkto sa bansa.

Ito ang inihayag ni Customs spokesperson at Operations Chief Arnaldo Dela Torre Jr. kahapon ngunit hindi naman niya binanggit kung may kasama sa mga ito na mga “big time smugglers”.

Ang mga kaso ay direktang isinampa sa Department of Justice (DOJ).

Ito ay makaraan na nasa 1,906 metrikong toneladang asukal mula sa Thailand na nagkakahalaga ng P228 milyon ang nasabat nitong Setyembre 24 sa Manila International Container Port (MICP) sa Maynila.

Samanala, nasa 57 sako ng imported na dilaw at puting sibuyas rin ang nasabat sa Divisoria na paglabag rin sa Food and Safety Act.

Nakikipag-ugnayan umano ngayon ang BOC sa Department of Agriculture sa tila panibagong mga operasyon ng “agricultural smuggling” ngayong nalalapit ang buwan ng Disyembre. (Carl Angelo)

Tags:

You May Also Like

Most Read