5 JO, 1 security guard nagkutsabahan sa pagpapalabas ng NBI jail?

By: Arsenio Tan

Iimbestigahan ng Department of Justice(DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI),Ang posibleng kutsabahan sa pagpapalabas at pagbabalik ng preso sa jail facility.

“There is this connivance between certain people in detention and those in the NBI that allows for them to temporarily go out of the detention center and come back in,” ayon kay Justice spokesperson Mico Clavano.


Ang pahayag ay ginawa ni Clavano matapos na makumpirma ang pag-alis sa NBI detention facility ng inmate na si Jad Dera.

“Well, I can confirm the statement only as to the part na si Jad Dera ay lumabas sa detention center kasama ang mga NBI na, they’re not agents eh, but they are security officers,” dagdag ni Clavano.

Nabatid na kasama ni Dera Ang 6 na security officer kung saan 5 sa kanila ang Job Order at Isa Ang nasa. plantilla .


Sinabi ni Clavano na nakatanggap ang DOJ ng confidential information kung nasaan su Dera kaya inaresto siya ng NBI agent at ibinalik sa facility noong hatinggabi.

“That prompted the NBI to create a task force at inabangan doon sa mismong gate ng NBI. At around midnight, pumasok po ‘yung van na ‘yun, pinara ng mga NBI agents, at doon nahanap si Jad Dera at ‘yung mga escorts niya,” paliwanag ni Clavano.


Alamin ng DOJ kung paano nakaalis ng pasilidad si Dera.

May nakumpiskanh armas,cash at iba pang kontrabando kay Dera.


Samantala, idinahilan naman ni Dera sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Raymundo Palad na lumabas si Dera alas 8 ng gabi Kasama ang official escort at marked vehicle kung saan nagpunta sila sa doctor dahil masa Ang pakiramdam nito.

Samantala sa pahayag ng NBi ,Nabatid na ini-relieve na sa puwesto Ng chief ng Security Management Section.

“The NBI assures the public that our organization will not condone acts of betrayal of public trust,” ayon sa pahayag ng NBI.



Tags: Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI)

You May Also Like