5 CAFGU PATAY , 3 PA SUGATAN KASAMA NG ISANG SUNDALO

By: Victor Baldemor Ruiz

LIMANG miyembro ng Civilian Armed Auxilliary (CAFGU) ang napatay habang tatlong iba pa ang nasugatan kabilang ang isang sundalo ng makasagupa nila ang isang pulutong ng mga hinihinalang communist terrorist New Peoples Army, sa lalawigan ng Quezon.

Sa inisyal na ulat na ibinahagi ni Col. Dennis Cana., spokesman, AFP Southern Luzon Command, napalaban ang mga tauhan ng Philippine Army matapos na makatanggap ng impormasyon na kinakailangan respondehan.


Sinasabing naganap ang sagupaan bandang alas 7:00 kahapon ng umaga at patuloy ang ginagawang hot pursuit operation laban sa mga tumatakas na NPA

Ayon kay Col Cana …a encounter to e, nagpatrolya sila, inaksyunan nila yung information tapos nagkabangaan

Sinasabing malaking grupo ang nakalaban ng mga sundalo sa Sitio pagasa, Barangay Mapulot, sa bayan ng Tagkawayan.


Nabatid na nagpadala ng augmentation force ang Philippine Army para tumulong sa mga napalabang tropa ng pamahalaan at tugisin ang ,mga rebeldeng komunista na kasalukuyang target ng hot pursuit operation.

Hindi inaalis ng military ang posibilidad na nalagasan din ang hanay ng communist terrorist group kaya agad na umatras ang mga ito sa kasagsagan ng palitan ng putok.


Tags: Civilian Armed Auxilliary (CAFGU)

You May Also Like