5-ANYOS, PATAY SA CAMPAIGN SORTIE

By: Victor Baldemor Ruiz

ISANG limang taong -gulang na batang babae ang nagbuwis ng buhay kaugnay sa nagaganap na campaign sortie para sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Election 2023, nang masalpok ito ng kotse na kabilang sa motorcade ng isang kumakandidato sa Barangay Bunawan Proper, Davao City.

Kasalukuyan umanong dumadaan ang motorcade ng isang Partido para sa BSKE 2023 malapit sa bahay ng biktima nang lumabas ito para bumili sa kalapit na tindahan sa may Purok 17, Promise Land.


Sinasabing base sa pagsisiyasat ng Bunawan police station, kabilang ang kotse na nakabundol sa paslit bilang bahagi ng motorcade ng kandidatong tumatakbo sa lugar para sa barangay elections.

Lumilitaw na bago nasagasaan ang bata, nakabangga pa ng isang motorsiklo ang kotse kung saan nasugatan ang driver ng motorsiklo at isa pang babae na bumibili rin sa tindahan.

Posible umanong nalito sa pangyayari ang driver ng kotse dahil sa halip na preno ay gas pedal ang natapakan nito, kaya kahit na paakyat ang kalsada ay nahagip ang mga biktimang nasa tindahan.


Ayon kay station commander PMaj. Jake Goles, pansamantalang naka-detine ngayon sa Bunawan Police Station ang driver na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, serious physical injuries at damage to property .

Nabatid na agad na inako ng mga barangay officials ang mga pangangailangan ng namatayang pamilya at mga sugatan sa aksidente.


Tags: Barangay at Sangguniang Kabataan Election 2023

You May Also Like

Most Read

Latest News