DESIDIDO ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippine na wasakin na ang nalalabing apat na New Peoples Army guerilla front na naglulunga sa lalawigan ng Samar kaya dineploy ang 4th Scout Ranger Battalion sa area.
Dumating sa Calbayog City Port sa Samar ang may 400 sundalo na bahagi ng 4th Scout Ranger Battalion para paigtingin ang puwersa ng 8th Infantry Division (8ID) anti-insurgency campaign sa Eastern Visayas.
Ayon kay 8ID Commander Maj. Gen. Camilo Z. Ligayo na nanguna sa welcome ceremony para sa tropa ng Scout Ranger na pinamumunuan ni Lt. Col. Ricarte Dayata. ”Remain alert and vigilant as you join our fight against the communist terrorists here in Eastern Visayas.
“ I trust that everyone remains mission-oriented and always respects human rights, adheres to the international humanitarian law and the rule of law as you proceed to your area of operations,” ani Mgen Ligayo.
Ang Ang 4th Scout Ranger Battalion ay naging instrumento sa pagsugpo ng insurgency campaign sa Caraga region sa northeastern Mindanao ay isasabak ngayon sa Northern Samar kung saan naroon ang nalalabing apat na CTG fronts , bago ang kanilang deployment sa Eastern Visayas ay sumabak muna sila sa battalion retraining sa Australia para palakasin ang kanilang air-to-ground combat and small-unit operation capabilities. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)