Latest News

4th dose ng COVID-19 vax, nakaumang sa huling linggo ng Abril o unang linggo ng Mayo

NAKAUMANG sa huling linggo ng Abril o unang linggo ng Mayo ,ang pagbibigay ng ika apat na doses ng COVID19 vaccine.

Ayon sa National Vaccination Operations Center (NVOC), ito ay sa sandaling aprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) para sa pagbibigay ng 4th doae sa mga senior citizen at indibiduwal may comorbidity.

“Nag-propose na ang DOH [Department of Health] ng EUA for approval ng FDA for a 4th dose. ‘Pag naaprubahan ng FDA ‘yan within the month, then isasalang na ‘yung mga guidelines,” ayon kay NVOC Chairperson at Health Undersecretary Myrna Cabotaje.


Nabatid na pag aaralan ng FDa kung ano ang mga karagdagang benepisyo ng 4th dose.

Samantala, sinabi ni Cabotaje na nasa
13% lamang o 11.7 milyon ang nagpa booster shot.

“Simula noong November, kakaunti pa lamang talaga ang nagpapa-booster,” dagdag ni Cabotaje.

Iginiit ni Cabotaje napatunayan na ang booster ay nagbibigay ng karagdagang proteksiyon noong kasagsagan ng Omicron surge.


“It [booster] will protect us from future surges,” paniniyak ni Cabotaje .

Nalaman kay Cabotaje na patuloy ang pag-aaral kaugnay sa pagbibigay ng booster sa mga menor de edad na 12-17. (Carl Angelo)

Tags: National Vaccination Operations Center (NVOC)

You May Also Like

Most Read