Latest News

35-ANYOS NA LALAKING NANINGIL NG UTANG, PATAY NANG BINAYARAN NG SAKSAK

By: Baby Cuevas

Dagliang namatay ang isang 34-anyos na lalaki nang bayaran ito ng saksak ng sinisingil niyang kapitbahay, kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Ang biktimang si Jessie Boy Agonia, ng Kagitingan corner Esmeraldo Streets, Tondo, ay nasawi dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, habang nakatakas naman ang suspek na si Hanson Rei Bautista, 21, kapitbahay ng biktima.

Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police District -homicide section, naganap ang insidente alas-6 ng gabi sa may eskinita sa Dona Aurora St., kanto ng Kagitingan St., sa Tondo.


Nakits sa kuha ng CCTV na kumakaripas ng takbo ang biktima habang hinahabol ng saksak ng suspek.

Nadapa ang biktima at nang abutan ng suspek ay kaagad itong pinagsasaksak bago mabilis na tumakas mula sa pinangyarihan ng krimen.


Sinubukan pa umano ng biktima na lumakad pero muli itong bumagsak dahil sa ilang matinding sugat na tinamo sa katawan,

Ayon sa pulisya, pinuntahan ng biktima ang suspek para singilin sana sa utang nito pero nagkaroon umano sila ng mainitang pagtatalo.


Ito ay matapos umanong pagbantaan ng biktima ang suspek na kapag hindi nito nabayaran ang kanyang utang ay papaluin siya sa ulo.

Anang pulisya, ang kutsilyong nakuha at ginamit sa krimen ay pagmamay-ari umano ng biktima.

Diumano ay dumaan pa ang suspek sa barangay hall sa pagtakas nito, pero hindi siya napansin ng mga barangay tanod.

Pinaghahanap pa ngayon ng pulisya ang suspek para papanagutin sa krimeng naganap.

Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read