Latest News

48,000 Chinese POGO workers kakanselahin ang visa — BI

Kakanselahin ng Bureau of Immigration (BI), ang mga visa ng mahigit 48,000 Chinese workers empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na ang.mga lisensiya ay kinansela na ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) .

Ito ay kasunod na rin ng.pagkakasangkot sa.mga kasong.kidnap.for ransom.

Sinabi ng Department.of Justice(DOJ) na ang pavkansela ng kanilang mga visa ay isang makataong hakbang kesa i-depprt sila sa China.


“Instead of deporting them, the cancellation of alien visas would simply allow the Chinese Nationals to voluntarily exit the country within a non-extendible period of 59 days,” ayon sa DOJ .

Ayon sa BI nineberipika na kung nasa bansa pa ang 48,782 alien o nakaalis na sa bansa.


“To be clear, it is only after the Chinese Nationals refuse to leave the country within the allowable period that summary deportation will be resorted to.
The National Bureau of Investigation (NBI) and Philippine National Police (PNP) are in close coordination to ensure a successful and smooth operation, ” base sa statement ng DOJ.

Alam umano ng DOJ ang epekto ng operasyon ng POGO sa ekonomiya pero ang mga report ng.pamamaslang,pag kidnap.at iba pang kriminal na aktibidad na kinasaaangkutan ng mga chinese nationals ay may epekto rin sa ekonomiya. (JERRY S. TAN)


 

Tags: Bureau of Immigration (BI)

You May Also Like