47-anyos na lalaki, nagpahipo sa pitong-gulang na bata, kulong

By: Carl Angelo

SA kalaboso bumagsak ang isang 470-anyos na lalaki matapos nito puwersahang ipahawak ang kanyang ari sa isang pitong-anyos na paslit , kamakailan sa Sampaloc, Maynila.

Sinampahan ng kasong act of lasciviousness ang suspek na kinilala lamang sa alyas na Dan.

Npag-alaman sa Manila Police District- Station 4 na inaresto ang suspek kamakalawa matapos na magreklamo ang tiyahin ng biktima.


Nagsumbong umano ang batang babae sa tiyahin na naganap ang kahalayan habang ang biktima at pinsan nito ay naglalaro sa kanilang bahay alas- 8 ng gabi noong Enero 22, 2024.

Inutusan umano ang biktima ng kanyang pinsan na kumuha ng laruan at nang pumasok sa bahay ng kanyang lola upang kumuha ng. laruan ay hinawakan ng suspek ang kanyang kamay nang mahigpit saka binuksan ang zipper ng. kanyang pantalon at puwersahang ipinahipo ang kanyang ari.

Umuwi umano ang biktima na umiiyak at isinumbong sa kanyang pinsan ang ginawa ng suspek at ang pinsan naman ang nagsumbong sa kanyang ina.

Nagtungo sa MPD-PS 4 ang mag-tiyahin at inireklamo ang suspek na nakadetine sa MPD-PS 4.


Tags: Manila Police District-Station 4

You May Also Like

Most Read