467 bagong Omicron subvariants,naitala ng DOH

Muling nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 467 karagdagang kaso ng Omicron subvariants sa bansa sa pinakahuling sequencing result mula Setyembre 5 hanggang 7.

Base sa inilabas na datos ng DOH ,may 425 bagong kaso ang BA.5 Omicron subvariant.


Nalaman na 214 yt mula Western Visayas; 146 ang sa Davao Region; 21 ang sa Soccsksargen; 19 ang mula sa Calabarzon, at siyam mula sa National Capital Region (NCR); pito sa Central Visayas, lima sa Central Luzon, dalawa sa Northern Mindanao at tig- isa sa BARMM at Caraga.

Habang nakapagtala naman ang DOH nh 10 bagong kaso ng BA.4,pito ang mula sa Central Visayas, dalawa sa Soccsksargen, at 1 mula sa Northern Mindanao.

Samantal, isang indibiduwal mula sa Davao Region,ang nagpositibo sa BA.2.75 variant.


Ayon sa DOH , anim na kaso naman ang mula sa “other sublineages” ang na-detect.

May 25 kaso naman ang “no assigned lineage” ang naitala.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read