Latest News

46 Muslim pinalaya ng BuCor – DOJ

By: Baby Cuevas

Nasa 46 na Muslim persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) nang magsimula ang Ramadan noong Marso 10,2024.

Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na ayon a ipinadalang ulat sa DOJ ni BuCor chief Gregorio Catapang, ang datos ay inilabas matapos ang ginawang pagbisita ni Presidential Adviser on Muslim Affairs Almarin Centi Tilla,na nagtanong sa kalagayan ng mga Muslim detainee sa iba’t-ibang prison at penal farms.

Ayon kay Carapang, hanggang nitong Pebrero 29 ay nasa 3,014 Muslim ang nakadetine sa iba’t-ibang bilangguan sa bansa na katumbas ng 5.69 porsiyento ng 52,950 detainees na nasa pangangasiwa ng BuCor.

Kasama sa nasabing bilang ang 1,121 na nasa New Bilibid Prison; 752 sa Davao Prison and Penal Farm; 698 sa San Ramon Prison and Penal Farm; 202 sa Correctional Institution for Women; 144 sa Iwahig Prison and Penal Farm; 81 sa Sablayan Prison and Penal Farm at 16 sa Leyte Regional Prison.

Inihayag ni Catapang na ang mga.Muslim na preso ay pinapayagan na mag-practice ng kanilang relihiyon sa loob ng correctional facilities.

Bukod sa 46 Muslim na pinalaya sa simula ng Ramadan ay may 23 pa ang Inirekomenda na mabigyan ng Executive Clemency ng Board of Pardons and Parole hanggang nitong Abril 3, habang umabot naman sa 754 muslim detainees ang napalaya sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Tags:

You May Also Like

Most Read