45-ANYOS NA BABAE, PATAY SA MABILIS NA MOTORSIKLO

By: Baby Cuevas

Agad na nasawi ang isang 45- anyos na babae matapos itong mahagip ng rumaragasang motorsiklo kamakalawa ng umaga sa Delpan flyover sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit -Vehicle Traffic and Investigation Section (MDTEU -VTIS), dakong alas-11:30 ng umaga nang makitang tumatawid ang biktimang si Cynthia Lamar, ng #220 Gate 1, Parola Compound, Brgy 20, Tondo, Maynila, sa southbound lane ng flyover at nabangga ng rider na si Gerwin Efsali, 26, vendor at residente ng Bakod Bayan, Cabanatuan City, Nueva Ejica.


Dala ng impact ay tumilapon sa kabilang lane ang biktima at tumama pa ang biktima sa mga barrier at mga kabataang estudyante na naglalakad nang mga oras na iyon.

Isinugod ang biktima sa Gat Andres Boifacio Memorial Medical Center (GABMMC) kung saan siya ay idineklarang dead-on- arrrival.

Samantala, sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in to homicide ang suspek sa Manila Prosecutor’s Office.


Tags: Cynthia Lamar

You May Also Like

Latest News