Umabot sa 4,461 persons deprived of Liberty (PDLs) ang napalaya ng Bureau of Corrections(BuCor) sa halos pitong buwan na nagtapos noong Hulyo 22.
Kabilang sa mga napalaya ay napagsilbihan na ang kanilang hatol, napawalang-sala sa kasong kriminal, na-pardon o nagpakita ng “good conduct” sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Hanggang nitong Abril 11,2022 mayroong 48,991 PDLs ang nakabilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City, Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Occidental Mindoro, San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF) sa Zamboanga City, Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Palawan, Leyte Regional Prison (LRP) sa Abuyog , Leyte, Davao Prison and Penal Farm (DPPF) sa Davao del Norte.
Ayon kay BuCor Deputy Director General Gabriel Chaclag, kabilang ang ang may 1,650 PDLs na lumaya noong Hunyo at Hulyo.
Noong 2021, may kabuuang 4,610 kuwalipikadong PDL ang napalaya ng BuCor.
Sinabi ni Chaclag na minamadali ang pagpapalaya sa kuwalipikadong PDL. partikular na noong kasagsagan ng COVID-19 para.lumuwag ang mga bilangguan.
Unang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ginagawa lahat ng kagawaran para.mabawasan ang 330% pagsisikip sa prison facilities ng BuCor.
Kabilang na sa hakbang ang pagmamadali sa digitization ng single system ng prison records ng PDLs.
“We are pushing for that double time,” ani Remulla.
Nabatid rin na kinakailangan ang mga records na ipadala sa Board of Pardons and Parole (BPP) at Parole and Probation Administration (PPA) para sa pagpapalaya ng mga inmate dahil sila talaga ang puwedeng magpalaya ng mas maraming tao. (Arsenio Tan)