Latest News

44 milyon doses, nasayang na bakuna — Vergeire

Nasa 44 milyon doses na ang hindi napakinabangan na COVID-19 vaccines sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni Department of Health Officer- In -Charge Maria Rosario Vergeire sa ginanap na forum sa tanggapan ng DOH sa Maynila.


Nabatid na sa nabanggit na bilang ,24.6 milyon doses ay iyong mga nasira dahil nag-expire; 2.8 milyon naman ang nasira dahil sa kalamidad at problema sa storage facility at 12 milyon doses ang inaalam pa kung papaano nasayang.

Sinabi ni Vergeire na ang nasayang ay 17.5% lamang ng kabuuang COVID-19 vaccines na pumasok sa bansa.

Napag-aaman na 75% dito ay iyong mga binili ng pribadong sector at local government units (LGUs), 5% ay donasyon sa bansa at 2% naman ang binili ng gobyerno.


Muli ,hinikayat ni Vergeire,ang mga Pilipino na hindi pa bakunado na magpabakuna na. (Jaymel Manuel)


Tags: Department of Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire

You May Also Like