Latest News

Ang 43 Chinese nationals na pina-deport ng BI .

43 Chinese nationals, na inaresto ng PAOCC at PNP sa Pasay, ipina-deport na ng BI

By: Jerry S. Tan

Nasa 43 Chinese nationals ang matagumpay na naipa-deport kahapon ng Bureau of Immigration (BI) pabalik sa kanilang bansa.

Ayon sa BI, ang naturang mga dayuhan ay kabilang sa mahigit 100 foreign nationals na unang inaresto ng Presidential Anti-Organized Crime (PAOCC) at ng Philippine National Police (PNP) Women and Children Protection Center (WCPC) matapos ang implementasyon ng search warrant na inisyu ng Makati Regional Trial Court para sa paglabag sa Republic Act (RA) 9208 at RA 10364 o The Anti Trafficking in Persons Act sa F.B. Harrison St., Pasay City.

Matatandaang nadiskubre ng PAOCC at ng PNP-WCPC na ang mga nasabing dayuhan ay nagtatrabaho para sa isang establisimyento na sangkot sa human trafficking activities.


Anang BI, dahil dito, nalabag nila ang mga terms at conditions ng kanilang mga visa, at ikinukonsiderang banta sa public interest.

Nabatid na ang mga ipinag-deport na dayuhan ay isinakay sa Philippine Airlines flight patungong Shanghai sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Sinabi naman ni BI Commissioner Norman Tansingco na bilang konsekwensiya ng kanilang deportasyon, ang mga pangalan ng mga naturang dayuhan ay isasama na sa blacklist ng BI at hindi na papayagan pang makapasok muli sa Pilipinas.

Ayon pa kay Tansingco, “We are working closely with other government agencies to rid the country of such undesirable aliens who abuse our hospitality and stay here doing their illegal activities.”


Hinikayat rin niya ang mga mamamayan na kaagad na ireport sa kanilang tanggapan kung may illegal aliens na nagsasagawa ng mga illicit activities sa kanilang lugar.

Tags: Bureau of Immigration (BI)

You May Also Like

Most Read