43-anyos lalaki, patay sa palo ng apat na suspek

Nasawi ang isang 43 anyos na lalaki matapos pagtulungang lamugin sa palo ng apat na suspek,kamakalawa ng umaga sa Tondo,Maynila.

Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Rafael Altavo, ng Cavite St., Gagalangin, Tondo, matapos na nagtamo ng mga galos at palo sa ulo at sa iba’t- ibang bahagi ng katawan.


Nabigo naman ang mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 7 na mahuli ang apat na suspek na mabilis na nagtatakbo patakas nang makita ang papalapit na mga pulis.

Sa imbestigasyon ni PSSgt Zoilo Nazario ng MPD-HS ,alas- 6:20 ng umaga nang maganap ang insidente sa Juan Luna Street, malapit sa Lakandula High School sa may Gagalangin,Tondo.

Hinabol umano ng mga pulis ang apat na suspek pero nabigo silang abutan matapos magtakbuhan sa Iba’t- ibang direksiyon.


Patuloy namang inaalam ng pulisya ang dahilan kung bakit pinagtulungang saktan hanggang sa mapatay ang biktima. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District -Police Station 7

You May Also Like