Latest News

42 party-list groups, inalis ng Comelec, kanselado pa ang rehistro

By: Carl Angelo

Umaabot sa kabuuang 42 party-list groups ang na-delist o tinanggal sa listahan at kinanselahan ng rehistro ng Commission on Elections (Comelec) para sa 2025 national and local elections (NLE).

Alinsunod sa Memorandum No. 241119 na inilabas ng Comelec kahapon, nabatid na inalis sa listahan ang 11 partylist groups dahil sa pagkabigong lumahok sa huling dalawang nakaraang elections.

Kasama sa mga ito ang 1-ABAA (1-Ako Babaeng Astig Aasenso); ABYAN ILONGGO (Abyan Ilonggo); AKIN (Akbay Kalusugan Inc.); ALON (Adhikaing Alay Ng Marino Sa Sambayanan, Inc.); AMANA (Aksyon Ng Mamamayang Nagkakaisa); ANG PDR (Ang Partido Demokratiko Rural); CLASE (Central Luzon Alliance for Socialized Education); KGB (Katipunan ng mga Guardians Brotherhood, Inc.); MELCHORA Movement of Women For Change And Reform; NACTODAP (National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association of the Philippines) at PDDS (Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan).


Samantala ay nasa 31 naman ang inalis sa listahan dahil sa kabiguang makakuha ng nasa two percent ng boto para sa party-list system at makakuha ng puwesto sa second round ng seat allocation para sa party-list system sa nakaraang dalawang halalan.

Kabilang dito ang 1-CARE (1st Consumers Alliance for Rural Energy, Inc.); ABEKA (Abe Kapampangan); ACTS-OFW ?Acts Overseas Filipino Workers Coalition of Organization); AKO BISDAK (Ako Bisdak-Bisayang Dako (AB-BD), Inc.); ????-??? (Aksyon Magsasaka-Partido Tinig Ng Masa); AP PARTYLIST (Alliance of Public Transport Organization, Inc.); ANAKPAWIS (Anakpawis); ANG KABUHAYAN (Ang Kabuhayan); ALIF (Ang Laban ng Indiginong Filipino); ANAC-IP (Ang National Coalition of Indigenous Peoples Action Na! Inc.); ANGKLA (Angkla: Ang Partido Ng Mga Pilipinong Marino, Inc.); ABS (Arts Business and Science); AASENSO (Ating Agapay Sentrong Samahan); ABANTE PILIPINAS (Avid Builders of Active Nation’s Citizenry Towards Empowered Philippines); BUTIL (Butil Farmers Party), KABALIKAT (Kabalikat ng Hustisiya ng Nagkakaisang Manileño); MAYPAGASA (Kilusang MayPagasa); KOOP-KAMPI (Kooperatiba-Kapisanan ng Magsasaka ng Pilipinas); AYUDA SANDUGO (Mindoro Sandugo Para Sa Kaunlaran, Inc.); KONTRA BROWNOUT (National Association of Electricity Consumers for Reforms, Inc.); MARVELOUS TAYO (Noble Advancement of Marvelous People of the Philippines, Inc.); 1 UTAP BICOL (One Unified Transport Alliance of the Philippines – Bicol Region); PTA (Parents Teachers Alliance); PLM (Partido Lakas ng Masa); PEACE (Philippine Educators Alliance For Community Empowerment); PRAI (Philippine National Police Retirees Association, Inc.); PPP (Pilipinas Para sa Pinoy); BUKLOD FILIPINO (Pinagbuklod na Filipino Para sa Bayan); 1-ANG EDUKASYON (Una Ang Edukasyon); WOW PILIPINAS (Wow Pilipinas Movement) at YACAP (You Against Corruption and Poverty).

Tags: Comelec

You May Also Like

Most Read