42 MINERO NA-TRAP, 45 NAILIGTAS; 6 PATAY, 31 INJURED DAHIL SA LANDSLIDES

By: Victor Baldemor Ruiz

NAGKAROON ng isang malaking landslides sa bayan ng Maco, Davao de Oro na iniulat na may anim nasawi habang 31 naman na kabilang sa mga na rescue ang sugatan kung saan ilan dito ang kritikal, base sa inisyal na ulat na ibinahagi ng AFP Eastern Mindanao Command.

Sa ibinahaging report mula sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office-Maco(MDRRMO-Maco) ni Col. Rosa Ma. Cristina Rosete-Manuel, ang tagapagsalita ng EASTMINCOM, may anim na bangkay ang na recovered sa landslide habang 31 naman ang na-rescue na pawang sugatan.


May 46 naman ang inulat na nawawala o posibleng na trap bunsod ng pag guho ng lupa, habang nasa 758 families naman ng ang inilikas sa mga Evacuation Center at nagpapatuloy pa rin ang rescue and retrieval operations ng mga sundalo, government and provincial rescue teams at iba pang ahensiya.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), naganap ang landslides humigit kumulang sa alas-7 kamakalawa ng gabi kung saan natabunan ang dalawang bus na naghihintay at susundo sa mga tauhan ng ApeX Mines habang nakaparada sa isang komunidad na nasa labas ng mining site sa Barangay Masara, bayan ng Maco.

Patuloy na pinaghahanap naman ang mahigit sa 40 katao na idineklara ng Apex Mining na ‘missing’.


Napag-alaman na kamakalawa ng hatinggabi ay pansamantalang ipinatigil ni Congressman Ruel Gonzaga, Acting Incident Post Commander,ang search and rescue dahil sa peligrosong sitwasyon sa lugar .

Sa 86 empleyado ng Apex Mines na inisyal na reported trapped, 45 dito ang na rescue na may tatlong ‘critically- injured’ na kinailangang ilikas ng Philippine Air Force choppers para madala sa Tagum Hospital.


“Efforts continue to locate and rescue the remaining 42 individuals, as declared by Apex Mines,” ayon sa ulat.

Kahapon ay dumagsa na sa Incident Command Post sa Barangay Elizalde ang mga tauhan ng MDRRMOs mula sa iba’t-ibang bayan para ayudahan ang isinasagawang Emergency Medical Services (EMS) at ang Search and Rescue (SAR) Team.


Tags: Municipal Disaster Risk Reduction Management Office-Maco(MDRRMO-Maco)

You May Also Like