Latest News

40,000 OFWS, MAKAKAPASOK NA MULI NG TAIWAN

INAASAHAN na makikinabang ang nasa 40,000 Filipino sa pagbubukas ng Taiwan sa mga dayuhang manggagawa nang tanggalin na nila ang ‘travel restrictions’ dahil sa COVID-19.

Nitong Martes, inihayag ng Central Epidemic Command Center ng Taiwan na puwede na muling pumasok sa kanilang teritoryo ang mga OFW simula sa Pebrero 15, 2022.

“We thank Taiwan for welcoming once more our kababayan in their various employment industries starting February 15. This is a valuable post-Valentine gift to our OFWs and their families,” ayon kay Bello.


Ipinaalala naman ni Philippine Overseas Labor Office (POLO) -Taipei Labor Attaché Cesar Chavez sa mga OFW na dapat sundin ang panuntunan ng Central Epidemic Center ng Taiwan laban sa virus.

Dapat ring bakunado na ang isang OFW bago pumasok ng Taiwan at ang kanilang employer ang maghahanda ng hotel na magiging ‘quarantine facility’ nila pagpasok sa naturang bansa.

Matapos na makompleto ang 14-day quarantine, mananatili pa rin sila sa hotel ng pitong araw para sa self-health management bago magtungo sa kanilang pagtatrabahuhan.

Ang iba pang rekisito ng Taiwan health authorities ay ang pagkakaroon ng RT-PCR test, at one-person one-room isolation bago pumasok sa kanilang teritoryo. Kailangan din ang medical insurance para sa kumpirmadong kaso, at kailangan ang RT-PCR test pagkapasok sa Taiwan. (TSJ)


Tags: Philippine Overseas Labor Office (POLO) -Taipei Labor Attaché Cesar Chavez

You May Also Like

Most Read