MAY 40 Pilipino ang ligtas na nakalabas sa border ng Ukraine at karamihan ay naghihintay na lamang ng repatriation flights sa mga kalapit na bansa.
Ayon sa Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang mga filipino ay naghihinray ng flight papuntang Poland, Hungary, at Moldova ,habang 6 sa kanila ang bumalik na sa Pilipinas
Kaugnay nito,ayon sa DFA.nakatanggap sila ng ulat na dalawang barko na may sakay na.mga tripulanteng filipino ang tinamaan ng bomba sa may Black sea.
Nalaman sa Marshal sa Island,ang Turkish-owned commercial cargo ship Yasa Jupiter, ay may lulan na 11 Filipino crew ay tinamaan ng bomba sa off the coast ng port of Odessa.
Kinumpirma naman ng Yasa Holding, ang Turkish owner na may ari ng ship Philippine Embassy sa Ankara , Turkey at sa Philippine Consulate General sa Istanbul na lahat ng tripulante kasama na ang mga filipino crew ay ligtas at na kontak na ang kanilang mga pamilya.
Ang isa pang grain bulk carrier M/V Nomura Queen ay tinamaan ng missile sa Black Sea off Odesa at isang Pilipino crew ang nasugatan pero nasa ligtas nang kalagayan.