40 milyon “eligible Filipinos,” wala pang booster

Nasa 40 milyon Pilipino ang hindi pa nakakatanggap ng COVID-19 booster shots kahit eligible na sila.

Ito ang kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na nagsabing may 55 milyon Pilipino ang karapat-dapat na tumanggap ng unang booster shot.


Sa naturang bilang may 15.2 milyon lang ang nakatanggap na ng booster shot.

“We are looking at around 40 million eligible Filipinos who are still yet to receive their booster shot,” ani Vergeire sa Laging Handa briefing.

Samantala, may 70 milyon Pilipino na ang kumpletong nabakunahan laban sa COVID-19.


Kaugnay nito,sinabi ni Vergeire na ipinrisinta na nila kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang stratehiya kung papaano mapapataas ang vaccination rate sa bansa.

“Ilalapit natin sa mga komunindad ang bakuna. Tayo ay gagawa ng mga pagsusuyod doon sa mga lugar na malalayo, doon sa mga lugar na ang ating mga kababayan ay hindi talaga maka-access ng ating vaccination sites,” dagdag ni Vergeire.


Nalaman na magsasagawa rin ng house-to-house sa mga senior citizens at hihingi rin mula sa Department of Education, Department of Labor and Employment, DILG, at sa iba pang ahensya ng gobyerno para maging whole-of-government approach pa rin ang kilos. (JANTZEN TAN)


Tags: Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire

You May Also Like

Most Read