Latest News

4 NPA, PATAY SA ENGKWENTRO, 5 ARMAS, NABAWI

APAT na miyembro ng communist New People’s Army ang napaslang sa naganap na magkahiwalay na military operation sa Occidental Mindoro at lalawigan ng Masbate.

Sa ulat na nakarating sa punong himpilan ng Philippine Army sa Fort Andres Bonifacio, Taguig Metro Manila, 2 hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napaslang ng Army’s 68th Infantry Battalion, at Philippine National Police Special Action Force sa Brgy. Malpalon, Calintaan, Occidental Mindoro.

Unang nasawi sa labanan ang isang babaeng kadre na nabawian ng isang M16 rifle,at ikinasugat ng isang sundalo.


Tumakas ang mga kasamahan nito subalit naabutan ang mga rebeldeng komunista ng mga tumutugis na tropa mula 4th Infantry Battalion, 76th Infantry Battalion, at 68IB na ikinamatay ng isa pang NPA at pagkakabawi sa dalawa pang baril.

Samantala, sa ulat na ibinahagi ni Southern Luzon Command chief Ltgen Bartolome Bacarro, Philippine Army , may dalawang NPA din ang napatay ng mga tauhan ng Army 2nd Infantry Battalion, nang masabat nila ang may 20 CTG’s habang nagsasagawa ng security operations sa area ng Brgy. Miabas, Palanas, Masbate.

Nakuha sa encounter site ang isang M16 rifle, anti-personnel mine, at bandolier matapos na tumakas ang mga rebelde.

Una rito inihayag ni Lt. Gen. Bartolome Vicente o Bacarro, Commander Southern Luzon Command ang pagsuko ng tatlong NPA sa Milagros Masbate, habang libo libong bala at mga baril naman ang na-recover ng kanyang mga tauhan sa Bulan Sorsogon.


“The NPA’s number continues to dwindle due to the strong intelligence-driven operations by government forces. We will continue to render these communist terrorists irrelevant while addressing its capability to generate resources and recruit members,” ani AFP Chief of Staff General Andres Centino. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: New People’s Army (NPA)

You May Also Like

Most Read