ARESTADO ng mga tauhan.Manila Police District-Police Station 1,ang apat na kalalakihan nagpanggap na miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group(CIDG) ,kamakalawa ng madaling araw sa may Velasquez St.Tondo,Maynila.
Kinilala ni PBGen Leo Francisco, ang mga naaresto na sina Henry Joshua y Bancud, 24 ,at residente ng 1428-14902 tower 2 Amaya skies Cubao QC; Elmer Barles y Alfonso, 52 at taga, 2419 Jose Abad Santos St., Tondo ; Dexter Villegas y Sanches, 50, ng 2417 Jose Abad Santos St., Tondo ; at Benjamin Asuncion y Ferrer, 43 , aircon tech, 3145 Pilar Street Brgy 199 Tondo.
Sa imbestigasyon ,dakong alas 2:20 ng.madaling araw nang masita ng Smokey Mountain Police Community Precint matapos humingi ng police assistance,ang sevurity guard na si Raymond Benzal ng Urban Deca Homes na matatagpuan malapit sa may Velasquez St.dahil sa kahina hinalang sasakyan na TOYOTA INNOVA color silver na.may plate no EEA449 na umiikot sa lugar na may kabuntot pang motorsiklo na
minamaneho ni Joshua.
Nalaman tinangka umano ng mga suspek na pumasok sa Urban Deca Homes at nagpakilalang tagq CIDG pero nang hingan ng ID ay wala silang naipakita.
Nang tingnan ang loob ng sasakyan ay nakiya ang isang level colt firearm na may magazine at may laman 31 bala at 1 pistol na level Ithra Dawn na may magazine at 15 bala at isang extra magazine na may 15 bala.
Sanhi nito binitbit ang apay para sa imbestigasyon sa presinto.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Usurpation of Authority at R.A 10591 in relation to BP 881 ang tatlong susoek maliban kay Joshua. (TSJ)