Latest News

4 NA KILONG SHABU NASABAT NG PDEA

By: Victor Baldemor Ruiz

Kilo-kilong shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang anti-narcotics operation sa Zamboanga City.

Ayon sa isinumiteng ulat kay PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, naglatag ng isang buy- bust operation ang kanyang mga tauhan matapos na magpositibo ang ikinasang surveillance operation laban sa mga hinihinalang big time drug personality.


Napag-alaman na mahigit apat na kilo ng shabu na itinatayang nagkakahalaga ng P27.2 million sa merkado ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isinagawang drug buybust sa Purok 11, Acacia, Barangay Calarian, sa Zamboanga City na nagresulta sa pagkumpiska ng nasabing shabu.

Apat na drug suspects din ang nadakip ng mga operatiba na kinilala namang sina Nadzmar Abdul, 38 anyos; Noralyn Abdul, 38 anyos; Wajil Jala, 31 anyos; at Ben Basaluddin, 33 anyos.

Nabawi din mula sa naturang mga suspek ang P1,000 ginamit na pang-ibabaw sa boodle money sa isinagawang buy-bust operasyon.


Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Illegal Drugs) at Section 11 (Possession of Illegal Drugs), Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naarestong drug personalities.


Tags: Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

You May Also Like