4 NA KIDNAPPER, PATAY SA ENGKWENTRO

APAT na hindi pa nakikilalang mga pinaghihinalaang kidnapper ang napatay ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group- Visayas Field Unit, matapos umanong makipagbarilan sa mga awtoridad sa Lapu-Lapu City.

Isang Chinese national naman ang na-recue sa nasabing police operation na ikinasa nitong Lunes ng gabi.


Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PNP Officer in charge Lt. Gen Vicente Danao ng PNP-AKG naglatag ng isang rescue mission ang mga tauhan ni PBrig. Gen. Rudolph B Dimas kasunod ng ulat na isang dayuhan businessman umano ang dinukot sa Barangay Bangkal may anim na araw na ang nakalilipas.

Katuwang ng PNP-AKG sa nasabing rescue operation ang mga tauhan ng Anti-Kidnapping Group Visayas Field Unit, Regional Intelligence (RID-7), Regional Special Operations Group (RSOG-7), Lapu-Lapu City Police Office (LCPO), at Highway Patrol Group (HPG-7),

Nakipag putukan umano ang mga suspek nang tangkang ililigtas na ng mga pulis ang biktima sa loob ng isang residential subdivision sa Bangkal


Habang itinakbo naman sa pagamutan ang nanghihinang 70 anyos na biktima na kinilalang si Lyu Xingou, 70, Chinese businessman mula Fujian, China na kasalukuyang naninirahan sa Barangay Lahug, Cebu City para sa kaukulang medical examination matapos na ikulong ng mga suspek sa kulungan ng aso

Si Xingou ay dinukot umano ng mga armadong kalalakihan sa kanyang garahe ng kanyang inuupahang bahay sa Bangkal Villege nuong May 25, 2022 habang naghahanda sa pagpasok sa Mactan Newtown sa Lapu-Lapu City at puwersahang isinakay sa nag aabang na Toyota Innova.


Sinasabing nakapag bigay na ang pamilya ng biktima na nasa China ng RMB 500,000 matapos na makipag ugnayan ang mga kidnappers sa kanila sa pamamagitan ng WeChat

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng 4 na napatay, na pawing hinihinalang mga Chinese nationals din dahil sa mga nakitang dokumento.


Nakikipag-ugnayan ang pulis at lokal na pamahalaan ng Lapu-Lapu City sa Chinese Embassy kaugnay ng insidente. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Philippine National Police-Anti Kidnapping Group- Visayas Field Unit

You May Also Like

Most Read

Latest News