APAT na bagong kaso ng monkeypox (mpox) ang naitala ng Department of Health (DOH) sa Calabarzon.
Sanhi nito ay nasa 13 na ang kabuuang bilang ng dinapuan ng mpox sa nasabing rehiyon.
Ayon sa DOH, ang mga bagong pasyente ay nasa pagitan ng edad 14-66 na nakaranas ng sintomas unang linggo ng Nobyembre.
Ang apat na pasyente ay nasuring positibo sa Clade II variant, isang mild na porma ng virus.
Dalawa umano sa pasyente ay pawang taga- Rizal. Dalawa ang lalaki at isa ang babae na mula naman sa Laguna.
Napag-alaman na ang dalawang pasyente na lalaki ay nasa bahay at nagpapagaling habang ang 66-anyos na babaeng pasyente ay na-ospital pero nakarekober na noong Nobyembre 19.
Tiniyak ng DOH-Center for Health Development Calabarzon Regional Epidemiology Surveillance Unit sa publiko na masusing mino-monitor ang mpox sa naturang rehiyon.














