4 NA KARAGDAGANG EDCA SITES, TINUKOY NG PALASYO

INIHAYAG ng Malacañang ang apat na karagdagang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), siniyasat at sinuri na m ng Armed Forces of the Philippines ang mga nabanggit na lokasyon kabilang dito ang Naval Base Camilo Osias na matatagpuan sa Sta Ana, Cagayan, Lal-lo Airport na nasa Lal-lo, Cagayan, Camp Melchor Dela Cruz na nasa Gamu, Isabela at Balabac Island sa Palawan.


Napag-alaman kay PCO Secretary Cheloy Garafil na palalakasin nito ang pagtugon sa kalamidad ng bansa dahil inaasahan din gagamitin ang karagdagang lokasyon para sa humanitarian at relief operations sa panahon ng emergency at natural disasters.

Nauna nang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na layunin nitong madepensahan ang Silangang bahagi ng bansa.

Samantala, nakatakdang magsagawa ngayong buwan ng Abril ang mga tropang Pilipino at Amerikano ng kanilang pinakamalaking military exercise. (Jaymel Manuel)


Tags: Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA)

You May Also Like