4 NA EMPLEYADONG NAGBENTA NG P25.6-M IPHONES, KAKASUHAN

By: JANTZEN ALVIN

Nakatandang magsampa ang National Bureau of Investigation (NBI) ng kasong qualified theft sa Department of Justice (DOJ), laban sa apat na empleyadong nagsabwatan umano sa pagnanakaw ng iPhones na nagkakahalaga ng P25.66 milyon.


Sa isang hiwalay na reklamo, sasampahan din ng karagdagang kasong paglabag sa Anti-Money Laundering Act ang dalawa sa apat na suspek.

Napag-alaman kay NBI Director Jimmy Santiago na nagsabwatan ang mga suspek sa iligal na mga transaksiyon bilang mga empleyado ng Productivity Technology Services Inc., isang kumpanya na nagbebenta ng computer hardware, software, electronic gadgets at iba pang kaugnay na serbisyo.

Pinalabas umano ni Managa na lehitimo ang demands para sa iPhones sa pamamagitan ng paggawa ng mga pekeng customer order gayung wala namang ganung mga order .


Para maitago ang mga deliveries, idinelete naman umano ni Alegonza, bilang logistics supervisor, ang entries ng 73 na pinekeng order ng customer, gayundin ang pitong purchase form at purchase order mula sa account system at manual record ng inventories.

Nagkasundo umano ang mga suspek na walang gagawin na aktuwal na delivery sa mga purchase orders.


Samantala, dinelete naman ito sa system entries para mapigilan ang kumpanya na makita ang mga fraudulent deliveries.

Ibinebenta umano ng mga suspek ang iPhones at pinaghahati-hatian ang kita mula sa pinagbentahan.


Tags: NBI Director Jimmy Santiago

You May Also Like