4 NA COMMUNIST-TERRORIST MEMBERS, PATAY, 7 FIREARMS NABAWI

By: Victor Baldemor Ruiz

Patay ang apat na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) matapos ang magkakasunod na engkwentro laban sa mga tauhan ng Philippine Army sa Barangay Nagoocan, Catubig, Northern Samar.

Ayon sa ulat ng 8th Infantry Division at Joint Task Force Storm ng Philippine Army, itinatayang nasa 30 rebelde ang nakasagupa ng mga sundalo sa nasabing lugar.


Una rito ay nakatanggap ng intelligence information ang 8th ID hinggil sa presensya ng mga armadong rebelde na umano’y nangingikil sa komunidad.

Kasalukuyang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga nasawing rebelde na pinaniniwalaang kasapi ng NPA Regional Guerrilla Unit and Sub-Regional Committee Arctic sa ilalim ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC), sa inilunsad na Focused Military Operations.

Samantala, sa clearing operation na ginawa sa encounter site ay nakarekober ang militar ng pitong matataas na kalibreng armas na hinihinalang sadyang inabandona ng mga tumatakas na NPA mula sa pinangyarihan ng insidente.


Kamakalawa lamang, nadiskubre ng mga operatiba ng 20th Infantry Battalion ng PA ang isang taguan ng mga armas at pampasabog sa Barangay Roxas sa kapareho ring bayan.

Tiniyak naman ni Maj. Gen. Adonis Orio, Commander ng 8th Infantry Division, na tuloy-tuloy ang kanilang kampanya para tiyakin ang seguridad at kapayapaan sa rehiyon.


 


Tags: Communist Terrorist Group (CTG)

You May Also Like

Most Read

Latest News