Latest News

4 magnanakaw, arestado

ARESTADO ng mga operatiba ng España Police Community Precint ng Manila Police District (MPD) ang apat na katao,kabilang ang isang manggagawa ng nilooban na Construction firm,dahil sa pagpupuslit ng may P290,500 halaga ng construction materials , kamakalawa ng madaling araw sa Sampaloc, Maynila.

Nasa kustodiya ng España PCP, ang mga suspek na sina Richard Sandoval y Lansangan @Chad, 21, tricycle driver at taga no.41 JP Rizal,Tondo, Maynila;Kyle Tambis, @Kyle, 21, tagano.11C Burgos St.,Tondo; John Noel Opulencia y Wen, @Wen, 26 , DMCI worker at taga 2827 Bareto St.,Pandacan; at Michael Sampol y Cpili @Michael,39 ;at residente ng years 2262 Malaya St., ,Tondo.

Naganap ang insidente alas 3 ng madaling araw sa Manila NLEX-SLEX Connector Project Site na.matatagpuan sa Antipolo St.corner Piymargal Brgy 507 Sampaloc Maynila kung saan naaktuhan ni Peter Dancalan,security guars ng DMCI,ang mga suspek na isinasakay sa isang van ang mga construction materials at mga tools.


Nabatid na napigilan ni Dancalan si Sandoval pero nakatakas ang ibang suspek at sa pagmamadali ay nabangga ang motorsiklo ni Alimudin Sabpa,security guard ng DMCI.

Kaagad naman inireklamo ni Rafael Tamaris y Seming, Assistant Admin sa DMCI, sa pulisya ang insidente kaya nagsagawa ng follow up operation.

Nabawi sa mga suspek ang tinangay na construction materials at tools sa isinagawang operasyon sa isang lugar sa Tondo.

Sinampahan ng kasong theft, malicious mischief at violation of PD 1612 (Anti Fencing law) ang mga suspek sa Manila Prosecutors’ Office. (Carl Angelo)


Tags: Manila Police District (MPD)

You May Also Like

Most Read