Latest News

4 Iligal na vape sellers, kinasuhan ng BIR sa DOJ

Sinampahan ng kaso ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) ang apat na indibiduwal na ang negosyo ay pagbebenta ng “smuggled at untaxed” vape products.

Pinangunahan ni BIR Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr., ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act No. 111346, kilala bilang “Act Increasing the Excise Tax on Tobacco Products, Imposing Excise Tax on Heated Tobacco Products and Vapor Products, and Increasing the Penalties for Violations of Provisions on Articles Subject to Excise Tax, as well as breaching the National Internal Revenue Code of 1997” sa DOJ.

Kabilang sa kinasuhan sina Wei Feng Bao,alyas Sofi Chua ng Top Fog Phils; Cristina Poa ng Rocket Bull Race Marketing; Sandoval Severino Briones; at Jimy Go ng Top Fog Phils.


Ang pagsasampa ng kasong kriminal ay bunsod sa resulta ng mga isinagawang pagsalakay ng mga tauhan ng BIR.

Nalaman na nakasamsam ang BIR ng itinatayang 50,000 hanggang 100,000 units ng vapes, plus 899 kahon ng untaxed excisable articles kinabibilangan ng 175,050 piraso ng pods, at 61,400 piraso ng bottled flavored juice na tinatayang nasa P15 milyon hanggang P30 milyon.

“I hope this serves yet another warning to those who think that they can continue to evade the payment of their taxes. We are hands-on and focused in our job, and we take this very seriously.”ayon kay Lumagui.

Nabatid kay Lumagui nasa may P1.4 bilyon kita ang nawala sa gobyerno dahil sa smuggling ng Vapes.


“The excise tax for nicotine salts is P47 per milligram. So with an estimated 500,000 units per month brought in illegally, with an average of 5-milligram content at P47 per milligram, the country loses around P117.5 million per month or P1.410 billion annually,”paliwanag ni Lumagui.

Bukod sa kasong kriminal ay nahaharap rin sa civil case ang mga nabanggit na indibiduwal.

Sa kasong kriminal, nahaharap sa multang P1.2 bilyon ang mga akusado.


Tags: Bureau of Internal Revenue (BIR)

You May Also Like

Most Read