PATULOY na tinutugis ng mga tauhan ng Philippine Army -8th Infantry Division ang mga tumakas na kasapi ng communist terrorist group na nakasagupa ng mga sundalo na ilang ulit na nagresulta sa kamatayan ng tatlong CPP-NPA members at pagkakabawi ng ilang matataas na kalibre ng baril sa Northern Samar.
Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni Army commanding General Lt.Gen Roy Galido, may tatlong CPP-NPA members ang napaslang ng kanyang mga tauhan sa liblib na barangay ng San Jose sa bayan ng Mapanas, Northern Samar kamakalawa.
Nakatanggap umano ng positive intelligence information ang mga tauhan ng 8th ID hinggil sa presensya ng mga armadong NPA kaya agad na naglunsad ng focus military operation ang military.
Bandang alas-6:00 kamakalawa ng umaga, nakasagupa ng 4th Scout Ranger Battalion ang hindi pa tiyak na bilang ng communist terrorist group na pinaniniwalaang mga kasapi ng Regional Guerrilla Unit (RGU) ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC).
Isang NPA ang napatay rito at nabawi ang isang M14 rifle, isang International Humanitarian Law (IHL)-banned anti-personnel mine, dalawang blasting caps at iba pang mga kagamitan.
Ilang minuto makalipas ang unang engkwentro ay nasabat naman ng mga tauhan ng Army 4th Scout Ranger Battalion ang mga tumatakas na rebelde na ikinasawi ng isang CTG member at doon ay na-recover ang isang M16 rifle at iba’t-ibang klase ng bala.
Matapos ang ilang oras ay isa namang NPA ang napatay ng blocking forces ng Army’s 4SRB nang masabat nila ang mga tumatakas na communist terrorists.
Bandang alas-10 nito ring Linggo ng umaga ay napaslang rin ng mga sundalo ang hindi pa nakikilalang CTG member at nabawi ang isang M14 rifle, mga bala at ilang war materiel.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si Brigadier General Efren Morados, commander ng 803rd Infantry Brigade, sa mga naulilang pamilya ng mga napatay na NPA . The loss of life is always tragic and reiterating the military’s commitment to peace and reconciliation.
Kaugnay nito ay muling hinikayat ni BGen. Morados ang mga nalalabing kasapi ng CPP-NPA na samantalahin ang alok na pagbabagong-buhay ng pamahalaan.
“Our mission is to promote peace and encourage the CTGs to recognize the significant improvements in the government’s programs. If they view these programs positively and take advantage of them to improve their lives, collaboration would be truly meaningful and beneficial for everyone,” ani Morados.
Pinapurihan naman ni 8ID Commander Major General Adonis Ariel Orio ang kanyang mga tauhan sa matagumpay nilang tactical operation laban sa nasabing CTG .
“The Philippine Army has repeatedly called on and appealed to the remaining members of the CTGs to surrender. However, due to their continued violations and threats to our community, we cannot allow the entire region to suffer. Instead, we remain firm in our commitment to protecting the people of Eastern Visayas. We will continue to scour every mountain of the region until we get rid of the last CTG member,” babala ni Maj. Gen. Orio.