4-anyos batang babae, patay sa SUV

Patay ang isang 4-anyos na batang babae matapos na mabundol ng isang Sports Utility Vehicle (SUV) na Mitsubishi Montero, kamakalawa ng hapon sa panulukan ng Adriatico Street at Quirino Avenue, Malate Maynila.

Hindi na naisalba ng mga doktor sa Ospital ng Maynila dahil sa matinding pinsala sa katawan ang biktimang si Radzma, Upao y Masalbe, ng No 2142-22 M Adriatico Street, Malate Maynila.


Ayon sa imbestigasyon ni PSSg Allen Christian M Camangon ,ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), naganap ang insidente alas-2 ng hapon sa nabanggit na lugar.

Minamaneho umano ni Gil Cruzada y Dellupac, 63 , retired OFW, at taga No. L 16, B2 Garden City Subd., San Isidro, Para?aque City, ang kanyang sasakyan nang mabundol ang biktima sa lugar.

Nasa kustodiya na ng MDTEU ang suspek habang inihahanda na ang pagsasampa ng kasong reckless imprudence resulting in homicide sa Manila Prosectors Office laban sa kanya. (Baby Cuevas)


Tags: Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU)

You May Also Like