Nasa 3,962 examinees o 37.84% ng 10,490 na kumuha ng 2024 Digitized and Localized Bar Examinations ang nakapasa sa bar exam.
Inianunsiyo ito ni Supreme Court Associate Justice Mario Lopez sa ginanap na press briefing sa SC main building sa Maynila.
Sinabi ni Lopez na nagpasiya ang en banc na ibaba sa 74% ang passing grade mula sa tradisyunal na 75%.
Kaugnay nito, pumasok naman bilang topnotcher ang University of the Philippines (UP) examinee na si Kyle Christian Tutor na nakakuha ng 85.77%. Tatlo ang taga-UP na pumasok sa Top 10.
Kabilang sa top 10 sina Maria Christina Aniceto,ng Ateneo De Manila University,85.54 %; Gerald Roxas ,ng Angeles University Foundation,84.35%; John Philippe Chua,UP,84.28; Jet Ryan Nicolas, UP, 84.26%; Maria Lovelyn Joyce Quebrar, UP, 84.06%; Kyle Andrew Isaguirre, Ateneo De Manila,83.90%; Joji Macadine, University of Mindanao,83.74%; Gregorio Jose Torres II, Western Mindanao State;83.59% at Raya Villacorta,San Beda University ,83.47%.